Habagat season sa bansa, natapos na ayon sa PAGASA

Inanunsyo ng PAGASA na opisyal nang natapos ang panahon ng Habagat at nasa transition period na papunta sa Amihan season.

Ayon sa PAGASA, may mga pagbabago na sa weather patterns sa bansa dahil sa paghina ng Habagat sa mga nakalipas na araw at paglakas naman ng high pressure systems sa East Asia.

Samantala, posibleng maramdaman at ideklara na ang pagsisimula ng Amihan season sa bansa sa mga susunod na linggo.


Mas mararamdaman na rin ang epekto ng El Niño ngayong last quarter ng 2023 at first quarter ng 2024.

Pinakamaaapektuhan nito ang climate-sensitive na mga sektor tulad ng tubig, agrikultura, enerhiya, kalusugan, public safety, at iba pa.

Facebook Comments