Habal-habal drayber sugatapos matapos saksakin ng kainuman

Nagpapagamot pa hanggang ngayon ang habal-habal drayber matapos saksakin ng kanyang kainuman alas onse kagabi sa Sitio El-alis, Barangay Luhib sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ng Lake Sebu PNP, kasamang kainuman ng biktimang si Jerry Gallego, 39-anyos habal-habal drayber ang suspek na si Marcial “Kadong” Cabaya Tiad, 25-anyos, binata, pareho residente ng nasabing lugar at tatlong kaibigan nito sa isang tindahan sa kanilang lugar.
Nagkasagutan diumano ang biktima at suspek hanggang umabot sa suntukan.
Bigla na lang kinuha ng suspek ang kutsilyo sa kanyang tagiliran at sinaksak ang biktima sa kaliwang dibdib.
Tatakas pa sana ang suspek pero nahuli rin ng mga awtoridad sa pursuit operation.

Facebook Comments