Habal- habal driver at misis nito arestado dahil sa shabu sa Brgy. Katuli SK

Arestado ang mga-asawa sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Brgy. Katuli Sultan Kudarat Maguindanao pasado alas singko kaninang umaga.

Pinangunahan ng PDEA ARMM katuwang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ARMM, Sultan Kudarat Municipal Police Station , Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Katuli, ang operasyon resulta sa pagkakatiklo sa mga suspeks na sina Esmail Inalugan/ Mael Inalugan, 37 anyos, habal habal driver at kabilang sa Target-Listed Drug Personality ng PDEA-ARMM, arestado rin ang misis nitong si Amina Balabagan, 25 years old, .

Nakumpiska sa mga suspeks ang (10) pieces ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance at pinaniniwalaang Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa “shabu” na nagtitimbang ng MOL 3.03 grams at may market value ng (Php 15, 000.00) two (2) packs ng unused plastic sachets, two units (2) Cellular Phone, buy-bust money, at isang unit ng caliber .38 pistol at assorted live ammunitions.


Nahaharap na kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” , violation ng RA 10591 o “Illegal Possession of Firearms and Ammunitions” ang mag asawa.

Himas rehas na ang mga ito sa selda ng PDEA ARMM.

Facebook Comments