Habal habal driver patay sa pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato

Patay sa panibagong kaso ng pamamaril ang isang habal habal driver sa barangay, Gli-Gli sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Boto(Bots) Kauyag , 21 anyos residente ng sitio Balibit Barangay Bulol, Pikit. Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pikit Pnp galing sa Poblacion Pikit ang biktima sakay ng kanyang minamanehong Bajaj motorcycle at habang binabaybay ang kahabaan ng provincial road ng barangay Gli-Gli ay sinabayan siya ng hindi nakikilalang riding in tandem at walang sabi sabing siyay pinagbabaril.
On the spot namatay ang biktima kaya hindi na nadala sa bahay pagamutan . Agad namang kinuha ng kanyang mga kamag anak ang bangkay ng biktima at dinala sa kanilang lugar sa barangay Bulol, sa bayan pa rin ng Pikit.(Jesy Ali)

Facebook Comments