Habal-habal driver patay sa pamamaril sa Brgy. Ladtingan, Pikit North Cotabato

Pasado alas syete ng umaga nang Aug.14 nang may mangyaring pamamaril sa Brgy. Ladtingan Pikit, Cotabato. Kinilala ang biktimang si Nasrudin Gado Lantawan, isang 23 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Balong Pikit North Cotabato.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP , ang biktima ay bumabyahe mula Brgy. Balong papuntang Brgy. Poblacion Pikit, Cotabato, pagsapit sa nasabing lugar 20 metro ang layo mula sa inabandunang barangay Ladtingan outpost, isang lalaki ang lumapit sa biktima at nagpanggap bilang isang pasahero, nang huminto ang biktima ay isa pang lalaki mula sa madamong bahagi ng lugar ang bumaril sa kanya nang dalawang beses sa kanyang katawan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ang armas na ginamit ay pinaniniwalaang isang M14 rifle at narecover ang 2 piraso ng basyo ng bala ng nasabing armas. Ang motibo sa likod ng insidente ay patuloy parin iniimbestigahan.
Patuloy namang naghigpit ng seguridad ang mga otoridad sa bayan ng Pikit dahil sa serye ng pamamaril.(April Piquero,NDU,BACOM4)


Facebook Comments