MANILA – Nag-abiso na ngayon palang ang mga negosyante sa posibleng pagtaas ng ilang Basic Goods and Prime Commodities sa panahon ng mahal na araw.Partikular ang mga inihahandang pagkain tuwing Semana Santa dahil sa pag-iwas ng mga katoliko sa pagkain ng baboy.Ayon sa mga negosyante, lima hanggang sampung piso ang posibleng itaas na presyo ng mga pangunahing bilihin.Tulad nang malagkit na bigas na ngayon ay nasa P53.00 ang kada kilo, bihon na nasa P30.00 ang kalahating kilo at toge na nasa P25.00 ang kilo.Maaari ring tumaas ang asukal na puti na mabibili ngayon sa P55.00 hanggang P57.00 ang kilo at segunda na nasa P45.00 hanggang 46 pesos ang kilo.Habang inaasahan rin na tataas ang presyo ng isda sa P20.00 hanggang P30.00 kada kilo…Samantala, nababahala naman ang mga nag-aalaga ng baboy sa mabilis na pagbaba ng presyo nito sa “farm gate”.Ayon sa Agricultural Sector Alliance, marami sa mga nag-aalaga ng baboy sa kanilang bakuran ang lugi na dahil sa smuggling.Sa ngayon, naglalaro lang sa P90.00 hanggang 95 pesos ang kada kilo ng farm gate price mula sa P115.00 noong Agosto 2015.
Habang Papalapit Ang Holy Week, Mga Negosyante, Nagbabala Na Sa Posibleng Pagtaas Ng Mga Bilihin
Facebook Comments