HABEAS CORPUS PETITION | Pag-aresto ng Makati Police sa 3 abogado, kukuwestiyunin sa korte ng IBP

Manila, Philippines – Dudulog sa korte ang Integrated Bar of the Philippines matapos ang pag-aresto ng Makati Police sa tatlong abogado.

Ayon sa IBP, maghahain sila ng habeas corpus petition sa korte para makalaya ang mga abugadong sina Lenie Rocel Rocha, Jan Vincent Soliven at Romulo Bernard Alarcon.

Iginiit ng IBP na Kwestiyunable ang pag-aresto at pagkulong sa tatlo lalo na’t ipinagtatanggol lang naman ng mga ito ang kanilang kliyente.


Inaresto ng Makati Police ang tatlong abogado nang harangin ng mga ito ang mga pulis nang magsagawa ng raid kontra iligal na droga, sa Time Bar sa Makati City.

Facebook Comments