HACKED | Facebook ni Spokesman Panelo, na-hack

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nabiktima ng hacking ang kanyang facebook account.

Ayon kay Panelo – ginamit ng mga suspek ang kanyang social media account para manghingi sa mga kaibigan niya ng donasyon para sa mga biktima ng Marawi City.

May mga nagbigay aniya ng aabot sa ₱200,000.


Ipinagbigay na ni Panelo ang insidente sa National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments