Manila, Philippines – Sinisilip na ng National Privacy Commission (NPC) ang ulat sa umano ay nanakaw na impormasyon mula sa mga customers ng ABS-CBN online.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, nakatanggap na sila ng abiso mula sa data protection officer ng kumpanya.
Inaasahan nilang aaksyunan ito ng TV network na naaayon sa breach response protocol.
Sa pahayag naman ng ABS-CBN, tinanggal na nila ang dalawang website na posibleng na-hack.
Nasa 200 costumer nila ang posibleng nakunan ng personal na impormasyon at credit card details.
Unang iniulat ng isang technology website ang data breach at sinabing ninakaw ng isang payment skimmer ang mga datos papuntang Russia.
Facebook Comments