Hacking activities, hindi dapat palusutin ng mga bangko at financial institutions

Pinapatiyak ni Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairperson Senator Grace Poe sa mga bangko at iba pang financial institutions na hindi mapapasok ng hacking ang kanilang sistema.

Ayon kay Poe, dahil sa pandemya ay mas marami ang idinadaan sa online ang kanilang financial transactions na hindi dapat maging bukas sa hacking activities.

Diin ni Poe, dapat protektado laban sa cybercrime ang perang pinaghirapan ng mamamayan na nakalagak sa mga bangko at iba pang financial institutions.


Pahayag ito ni Poe, makaraang maglaho umano ang pera ng ilang mga guro na kliyente ng Landbank.

Samantala, pinagsusumite naman ni Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng report kaugnay sa resulta ng imbestigasyon nito ukol naman sa umano’y hacking incident sa BDO Unibank.

Facebook Comments