Manila, Philippines – Humingi na ng tulong sa National Bureau of
Investigation (NBI) at PNP-Cybercrime Group ang Makati City Government para
imbestigahan ang nangyaring hacking incident sa system ng isang digital
billboard sa Makati Central Business District kahapon.
Alas 2:40 ng hapon kahapon nang lumabas ang isang pornographic clip sa
digital billboard ng isang gusali sa Gil Puyat Avenue Corner, Makati Avenue.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng operator ng billboard na Globaltroncs
Inc., na-hack ang system sa pamamagitan ng remote access na anila’y isang
“malicious attack”.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Mayor Abby Binay ang pansamantalang
pag-suspinde sa operasyon ng lahat ng mga digital billboards sa lungsod.
Inatasan din niya ang mga operator ng iba pang billboards na i-check ang
kanilang system para masigurong hindi mauulit ang hacking incident.