Makati City – Mananagot pa rin ang may-ari ng digital billboard sa Makati
City na nagpalabas ng porno noong Martes kahit na mapatunayang biktima sila
ng “malicious attack,” o pangha-hack.
Una nang sinabi ng Globaltronics, ang may-ari ng nasabing billboard na
posibleng malicious attack ang dahilan ng naturang insidente.
Pero sa kabila nito, ayon kay Makati City Administrator Atty. Claro
Certeza, posibleng bawian pa rin ng permit ang Globaltronics at tuluyan na
itong hindi makapagpalabas ng mga patalastas.
Sa ngayon ay nakipatulungan na ang Globaltronics sa cybercrime division ng
Philippine National Police para imbestigahan ang insidente na nangyari sa
billboard ng executive building center sa kanto ng Makati Avenue at Buendia.
<#m_-6723471401762701716_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>