Hacking sa COMELEC data, iimbestigahan na rin ng DICT

Magsasagawa ang Department of Information and Communications Technology ng hiwalay na imbestigasyon sa umano’y hacking sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay DICT acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, ang Cybersecurity Bureau ang mangunguna sa imbestigasyon.

Bagama’t itinanggi na ng poll body ang umano’y nangyaring hacking, mahalaga pa rin aniya itong maberipika para sa kapakanan ng mga mamamayan at seguridad ng halalan.


Sakali naman aniyang totoong may mga na-hack na impormasyon, kailangang magpatupad agad ng mga pagbabago para matiyak ang patas at malinis na May 9 elections.

Nauna nang iniulat ng Manila Bulletin na napasok ng hackers ang servers ng COMELEC at ninakaw ang mga mahahalagang files kabilang na ang usernames at Personal Identification Numbers (PIN) ng Vote Counting Machines

Facebook Comments