HADR units ng Philippine Army, naka-standby na

Nakahanda anumang oras ang Humanitarian Assistance and Disaster Response units ng Philippine Army sa posibleng pagtugon sa epekto ng Bagyong Kristine sa bansa.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Louie De-maala, nakaantabay ang 180 HADR teams mula sa 5th Infantry Division na binubuo ng 801 na mga sundalo.

Mayroon 3 rubber boats at 142 land assets na nakahandang gamitin sakaling kailanganin ng search and rescue operations.


Habang ang 7th infantry at 2nd infantry division na naka base sa Southern Luzon at North Central Luzon maging ang 8th at 9th infantry division ay naka alerto na rin sakaling kailanganin ng rescue operations sa kanilang area of responsibility.

Tiniyak ng Philippine Army ang kanilang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan na posibleng hagupitin ng bagyo.

Facebook Comments