Hagibis frontman na si Sonny Parson, pumanaw na sa edad 61

Nagluluksa ngayon ang music industry sa pagpanaw ng dating Hagibis frontman na si Sonny Parsons.

Si Sonny ay inatake sa puso habang nasa motorsiklo, kahapon, araw ng Linggo sa Lemery, Batangas.

Kasabay nito, nagbigay ng pagpupugay ang mga kilalang artista sa pagpanaw ng OPM legend.


Kabilang dito ang dating Vst & Co. Band member na si Manuel Rigor at batikang aktres na si Vivian Velez.

Isang picture ng iconic cowboy look ni Parsons ang pinost naman ng Film Academy of the Philippines Director-General bilang pagkilala sa kanya.

2017 ng huling nakita sa TV si Parsons na nagsilbi rin bilang Councilor ng Marikina City.

Kabilang sa mga pinasikat ng Hagibis ay mga kantang “Macho Man”, “Lalake,” “Legs,” at “Katawan”.

Facebook Comments