HAGUPIT | 43 tao, patay sa pananalasa ng bagyo sa India

India – Patay ang 43 tao sa pananalasa ng isang malakas na bagyo sa hilagang bahagi ng India.

Sa report, maraming bahay ang nasira habang nabuwal naman ang mga puno dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.

Karamihan sa mga nasawi ay nalibing ng buhay dahil sa guho ng mga gusali.


Una rito, binayo na ng isa pang bagyo ang hilagang bahagi ng India kung saan umabot naman sa 134 ang nasawi.

Facebook Comments