HAGUPIT | Hurricane Florence, patuloy ang pananalasa sa North, South Carolina

Umabot na sa 14 ang nasawi sa pananalasa ng hurricane Florence sa North Carolina, Estados Unidos.

Kahit humina na ito bilang tropical depression, malaking pinsala pa rin inaasahang iiwan ng bagyo.

Patuloy ang pagsagip sa mga residenteng naiipit dahil sa baha.


Aabot sa higit 760,000 na residente sa North at South Carolina ang walang kuryente.

Huling namataan ang hurricane Florence sa 40 miles west ng Columbia, South Carolina at kumikilos ito sa bilis na 10 miles per hour at taglay ang lakas ng hanging nasa 35 miles per hour.

Facebook Comments