Hagupit ng Bagyong ‘Kristine’ at ‘Leon,’ nakaapekto sa mahigit 8.5-M na indibidwal —NDRRMC

Sumampa na sa 8.5 million na indibidwal o katumbas ng 2.1 million na pamilya ang apektado ng pananalasa ng bagyong “Kristine” at “Leon.”

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na rin sa ₱ 7.3 billion ang pinsala ng mga nagdaang kalamidad sa sektor ng imprastraktura.

Nakapagtala rin ng 150 na nasawi kung saan 20 ang kumpirmadong namatay dahil sa bagyo, habang sampu ang nakumpirma mula sa 134 na sugatan at 20 naman ang nawawala.


Sa datos naman ng Department of Agriculture (DA), pumalo na sa ₱ 5.75 billion ang iniwang pinsala ng bagyo sa 109,871 na ektarya ng taniman kung saan 38,466 na ektarya ang wala nang tyansa na marekober pa habang 71,405 na ektarya ang pwede pang maisalba.

Sa kabuuan, nasa 557,851 metric tons ng produksyon ang nawala sa mga sakahan na nakakaapekto ngayon sa 131,661 na magsasaka at mangingisda.

Dahil sa malawakang epekto ng bagyo, umabot na sa 241 na siyudad at munisipalidad sa bansa ang isinailalim sa state of calamity.

Facebook Comments