
Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Administration Asst. Sec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na nasa kabuuang ₱30 milyon na ang tinatayang halaga ng mga nasirang imprastraktura at agrikultura na dulot ng Bagyong Tino sa bansa.
₱17.3 milyon ang halaga ng mga nasira sa imprastraktura habang tinatayang nasa ₱13.3 milyon naman sa agrikultura base iyan sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Samantala nasa 12,700 naman na kabahayan na ang naitalang nasira dulot ng nasabing bagyo.
Nasa 41 na mga barangay naman ang nakakaranas pa rin ng pagbaha at 11 mga barangay ang nakakaranas ng pagguho ng lupa.
Facebook Comments










