Cantilan, Surigao Del Sur – Nag-landfall na ang bagyong “Basyang” sa bayan ng Cortes, Surigao Del Sur alas 9:15 kaninang umaga.
Huling namataan ang bagyo sa vicinity ng Cantilan, Surigao Del Sur kaninang alas 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 75 kph.
Bagamat humina at nasa tropical depression category na lang nakataas pa rin ang storm signal number 1 sa Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Group of Islands.
Sa bandang Visayas, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Bohol, Cebu, Biliran, Leyte, Southern Leyte, southern section of Samar, at southern section of Eastern Samar.
At sa Mindanao, Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, northern section of Bukidnon, Lanao Del Norte, northern section of Lanao Del Sur, Misamis Occidental, at northern section of Zamboanga Del Norte.
Madaling araw ng Biyernes, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.