HAGUPIT NI MANGKHUT | 3-M residente sa Southern China, inilikas

Umabot na sa tatlong milyong tao ang inilikas sa Southern China kasunod ng pananalasa ng typhoon Mangkhut.

Nabatid na nag-landfall ang bagyo sa Guandong, China nitong linggo.

Nag-iwan na ng apat na patay ang bagyo.


Tinutumbok na nito ang Guangxi Province.

Bunsod ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyo, pinalipad nito ang mga bubong, nabaklas ang mga scaffolding, nabasag ang mga bintana at nagdulot ng matinding pagbaha sa mga mabababang lugar.

Facebook Comments