HAGUPIT NI OMPONG | Halaga ng pinsalang iniwan ni Ompong sa agrikultura, nasa ₱17-B na

Pumalo na sa halos ₱17 billion ang iniwang pinsala ng bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa ₱16.76 billion ang nasira sa mga pananim tulad ng mais, palay, high value crops, fisheries at livestock.

Sakop ng pinsala ang nasa 636,908 na ektarya.
Aabot naman sa 731,294 metric tons ang tinatatayang ikinalugi sa production.


Ang Nueva Ecija ang pinaka-naapektuhang lalawigan na aabot sa ₱2.84 billion na lugi, na sinundan ng Cagayan na nasa ₱2.77 billion ang naitalang halaga ng pinsala.

Facebook Comments