HAHABULIN | Bank accounts at assets ng CPP-NPA, plano ring ipa-freeze ng DOJ

Manila, Philippines – Sakaling katigan ng korte ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) at maideklarang terrorist group ang CPP-NPA, maari nang magsagawa ng wire-tapping ang mga otoridad sa communication system ng grupo.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, layon nito na ma-monitor ang mga galaw ng grupo.

Maari rin anyang silipin o ipa-freeze na ng pamahalaan ang mga bank accounts at iba pang asset ng CPP-NPA.


Nagbabala rin ang DOJ sa mga grupo o kumpanya na nagbibigay ng ayuda o pondo sa CPP-NPA na maari din silang habulin ng gobyerno.

Una nang naghain ng petisyon ang DOJ sa Manila RTC para ideklarang terrorist group ang CPP-NPA.

Kabilang sa mga naging argumento ng DOJ laban sa CPP-NPA ang mismong pag-amin ng founder nito na si Jose Maria Sison sa mga isinulat nitong libro kung paanong nabuo ang kanilang organisasyon.

Facebook Comments