HAHABULIN | Kerwin Espinosa, pwede pa ring makasuhan IBP

34

Manila, Philippines – May pag-asa pa ang kaso laban sa mga umano’y druglord na sila Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa. Ito ang binigyang diin ni Atty. Domingo Cayosa, Vice President ng Integrated Bar of the Philippines sa interview ng RMN Manila. Paliwanag ni Cayosa, wala pa namang pormal na kasong naisasampa kaya’t hindi pa ito maituturing na double jeopardy. Dagdag pa ni Cayosa, malakas na ebidensya ng kaso ang mga naging pahayag mismo ni Kerwin Espinosa sa senado kung saan inamin niya ang pagpapatakbo ng drug syndicate. Ito ay kahit pa nagkaroon ng pagkakaiba ng detalye sa naging salaysay ng kanyang bodyguard na si Marcelo Adorco.

Facebook Comments