HAHABULIN? | PNP, hahanap ng legal na paraan matapos ang pagkakabasura sa reklamo laban sa Egyptian National Fehmi Lassqoued

Manila, Philippines – Isang malungkot na balita para sa Philippine National Police ang pagkakabasura ng Department of Justice o DOJ sa mga reklamong isinampa laban sa Egyptian na si Fehmi Lassqoued.

Sinabi ni PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, hindi pa maituturing na tapos ang pagbasura sa reklamo dahil may mga legal na paraan para mabaligtad ang desisyon ng Department of Justice.

Paliwanag ni Bulalacao na kabilang sa mga posibleng ihain ng mga police investigator o ng kanilang legal officers ay ang paghahain ng Petition For Review.


Matatandaang ibinasura ng Pasay Court ang kasong illegal possesion of firearms dahil sa kawalan ng ebidensya.

Facebook Comments