HAHALILI MUNA | Senior Associate Justice Antonio Carpio, mananatiling acting chief justice

Manila, Philippines – Magsisilbing acting Chief Justice ng Korte Suprema simula ngayong araw si acting Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Mananatili si Carpio hanggang makapagpili si Pangulong Rodrigo Duterte ng opisyal na uupo sa posisyon na iniwan ni Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ilalim ng konstitusyon, ang Pangulo ay bibigyan ng 90 araw mula sa araw na nabakante ang posisyon para makahanap ng papalit mula sa mga nominado na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC).


Ang JBC ay kailangang makahanap ng mga nominado hindi lang sa posisyon ng chief justice kundi maging sa mga nais maitalaga bilang associate justice.

Nabatid na pinatalsik si Sereno nitong Biyernes sa botong 8-6 pabor sa quo warranto petition na isinumite ni Solicitor General Jose Calida.

Facebook Comments