Manila, Philippines – Pinahahalungkat na rin ng House Committee on Justice ang mga psychiatric records ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kasabay din nito ang pagpapatawag sa dalawang psychiatrist na nagsagawa ng psychiatric test sa Punong Mahistrado kung saan binigyan ito ng grade na 4 mula sa scale na 1 bilang highest at 5 bilang lowest.
Ang mga psychiatrist na ipapatawag na nagsagawa ng test kay Sereno ay sina Dr. Dulce Reyes at Dr. Genuina Ranoy.
Sa test na ginawa kay Sereno kinakitaan ito ng pagiging masiyahin pero may mga depressive remarks din sa Punong Mahistrado.
Bukod dito, lagi din nitong ikinakabit ang religious aspect sa kanyang buhay at sa mga kausap dagdag din ang pagiging self-righteous.
Dahil dito, ipasa-subpoena ang psychiatric records ni Sereno na isinumite sa JBC gayundin ang ibang psychiatric records ng ibang mga kasabayan ni Sereno sa pag-a-apply noon bilang Chief Justice.