HAHAMAKIN ANG LAHAT | Babae sa Honduras, nagpanggap na buntis upang di iwan ni boyfriend

Honduras – Isang babae mula sa Honduras ang hahamakin ang lahat masunod lamang ang kaniyang puso.

Siyam na buwan lang namang pinaniwala ni Rosa Castellanos Diaz, ang kaniyang boyfriend na si Melvin Mendoza na nagdadalang tao siya, upang di siya iwanan ng kaniyang nobyo.

Pinaniwala ni Rosa ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan na kambal ang kaniyang ipinagbubuntis.


Nang manganganak na siya, sumakay ito ng bus at nagtungo ito sa siyudad ng Tegucigalpa upang doon manganak.

Kinagabihan noon, tumawag si Rosa kay Melvin at ipinaalam na namatay ang isa sa sanggol.

Nang umuwi sa Hondura si Rosa, bitbit nito ang maliit na kabaong na di umano ay naglalaman ng kanilang baby.
Tumanggi itong pabuksan dahil naka seal daw ito, gawa ng ospital, habang ang isang baby naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng mga nurse sa ospital.
Nailibing ng maayos ang bata, ngunit nagduda ang mga kaibigan ni Melvin sa kwento ni Rosa.

Dahil dito, binalikan nila ang sementeryo at hinukay ang kabaong ng bata, dito na tumambad sa kanila ang manika.

Hindi naman na nagsampa pa ng kaso si Melvin laban kay Rosa.

Facebook Comments