HAHANAPIN | PCG, gagamit na ng Search and Rescue dogs sa mga natabunan sa Itogon, Benguet

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na gagamit na ng mga Search and Rescue dogs ang gobyerno kaugnay ng isinasagawang paghahanap sa mga kababayan nating natabunan sa ibat ibang lokasyan sa Itogon, Benguet.

Ipinag-utos ngayon ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Elson Hermogino na dalhin ang kanilang mga Search and Rescue dogs mula sa Phil Coast Guard K-9 Unit para tumulong sa operasyon ng mga Rescue Unit na naroon na sa ltogon, Benguet..

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo ipauuna na nilang ipadala ang kanilang K-9 Unit na sinanay sa mga ganitong uri ng ,isyon na magdetech o umamoy kung may bangkay o kung may buhay o survivor pa sa ilalim ng lupa…ang unang limang Search and Rescue dogs ay kinabinilangan ng mga belgian shepherd, belgian malinoi, at mga retrivers habang ipina recall narin ngayon ang iba pang rescue dogs na nakatalaga sa iba pang Rehiyon upang agad na magamit ng mga Rescue Teams sa Itogon, Benguet.
Paliwanag ni Balilo na hindi biro ang paghahanap ng mga nawawala, matapos na magkaroon ng landslide tulad ng epekto ng bagyong Ompong dahil sa nalalagay din sa peligro ang buhay ng mga Rescuers.


Facebook Comments