Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong bukas ang mga miyembro at opisyal ng Liberal Party (LP) para planuhin ang gagawing pagkontra sa planong pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay LP Spokesman Caloocan City Rep. Edgar Erice, mali ang panibagong pagpapalawig at kwestyonable na ang pagpapairal pa nito.
Tila nagpapakita rin daw ito na hindi kayang gampanan ng mga otoridad na maipatupad ang kaayusan kung hindi magpapatupad ng batas militar sa rehiyon.
Maliban dito, babalangkas din sila ng plano para maidulog sa korte ang pagtutol sa extended Martial Law.
Facebook Comments