HAHARAP | Tourism Secretary Berna Puyat, sasalang sa Commission on Appointments bukas

Manila, Philippines – Haharap bukas sa Commission on Appointments (CA) si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Ito ay bago mag-sine die adjournment ang kongreso sa Hunyo 1.

Ayon kina Senators Grace Poe, Bam Aquino at Juan Miguel Zubiri na pawang mga miyembro ng CA, tiyak na ang agad na pag-lusot ni Puyat dahil subok na ang kredibilidad at track record nito sa trabaho.


Si Puyat ay pumalit kay dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na nagbitiw sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian.

Kasabay nito, muli namang sasalang sa CA si Agrarian Reform Secretary John Rualo Castriciones.

Facebook Comments