HAHARAP | Wanda Teo, haharap sa pagdinig ng Senado hinggil sa ₱60-M advertisement contract

Manila, Philippines – Haharap sa gagawing pagdinig ng senate blue ribbon committee si dating Tourism Secretary Wanda Teo kaugnay ng kontrobersiyal ng P60 milyong advertisement contract ng DOT sa PTV4.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Teo, tiwala siyang haharap sa blue ribbon committee ang kaniyang kliyente.

Tiwala rin si Topacio na magiging patas sa pagdinig si Senador Dick Gordon na siyang chairman ng komite.


Sa August 14, itinakda ng senado ang pagdinig sa kaugnay ng kontrobersiyal ng P60 milyong advertisement contract.

Facebook Comments