Kaso ng katiwalian sa gobyerno, Ombudsman lang ang hahawak sa ilalim ng Federal form of government

Manila, Philippines – Inihayag ni Consultative Committee Member Rodolfo Robles na tatanggalin na sa Department of Justice ang kapangyarihan na magimbestiga sa mga kasong Graft ng mga opisyal at empleyado ng Gobyerno sa kanilang draft ng Federal form of Government.

Ayon kay Robles, tanging office of the Ombudsman nalang ang maaaring magsagawa ng paguusig sa mga irregularidad at katiwalian sa Pamahalaan.

Paliawanag ni Robles, dati ay walang eksaktong depinisyon kung sino lang ang hahawak sa mga graft cases kaya ibinigay nila ang kapangyarihang ito sa Ombudsman.


Ang Department of Justice naman ang hahawak sa mga kasong walang kinalaman sa graft and Corruption.

Facebook Comments