“Hair tattoo” ng mukha ni NoKor leader Kim Jong Un – viral sa Facebook

Serbia – May kasabihan tayong “hair is the crown glory of a woman”.

At tulad ng mga kababaihan, dagdag pogi points din sa mga lalaki kapag mahilig sumabay sa mga bagong hairstyle.

Pero sa Serbia, isang barbero ang nag-viral matapos na gupitan ng portrait ni North Korean Leader Kim Jong Un ang buhok ng kanyang customer.


Kwento ng stylist na si Mario Hvala – na-inspire siyang gawin ang tinawag niyang “hair tattoo” matapos niyang mapanaginipan si Kim Jong Un na bumisita raw sa kanyang bahay kasama ang kanyang mga delegado.

Agad namang kumalat sa internet ang picture at video ng kanyang hair tattoo.

Facebook Comments