Hairstylist na nagnakaw sa isang salon sa Marikina, naaresto na

Marikina City – Naaresto na ang lalaking nagpanggap na hairstylist at nanalisi sa isang salon sa Barangay Tañong, Marikina City.

Alas tres nang hapon noong martes nang nakawan ng 39 anyos na suspek na si Ronald Teves alyas “Rona” ang isa pang hairstylist sa salon.

Kwento ng may-ari ng salon na si Bong Tucay, bagong aplikante lang ang suspek.


Sa CCTV footage, makikitang kinuha ni Teves ang bag ng isang stylist saka kinalkal ang laman sa loob ng shampoo area kung saan walang camera.

Nang makuha ang P3,000 cash, lumabas ang suspek at nagpaalam na bibili ng yosi pero hindi na siya bumalik.

Ayon sa kaanak ni Teves, dati nang nagtrabaho sa salon ang suspek kung saan din siya nagnakaw.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong theft.

Facebook Comments