HAJJ PILGRIMAGE | Milyu-milyong indibidwal, dumagsa sa Saudi Arabia

Saudi Arabia – Aabot sa 1.7 milyong indibiduwal ang inaasahang magtitipon-tipon sa Mecca, Saudi Arabia para dumalo sa taunang Hajj Pilgrimage sa pagtatapos ng Ramadan.

Ayon sa Ministry of Consular Affairs ng Saudi, sa kabuuan umabot sa 1,720,680 ang naiproseso nilang Hajj Visa.

Ang mga pilgrims ay mula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Ang Hajj ay taunang Islamic pilgrimage sa Mecca na Holiest City para sa mga Muslim sa Saudi Arabia.

Facebook Comments