Manila, Philippines – Rerepasuhin ni Committee on Agriculture and Food Chairperson Senator Cynthina Villar ang plano o mga hakbang para maiwasan ang babala ng mga eksperto na pagmimistulang “virtual desert” ng ating karagatan pagsapit ng taong 2050.
Ayon sa mga eksperto, yan ang sasapitin na ating karagatan kapag nagpatuloy ang walang habas na pangingisda.
Tinukoy din ni Villar ang 2010 census ng marine life na nagsabing umabot na sa 90 percent ng malalaking isda ang nawala dahil sa sobrang pangingisda.
Iginiit ni Senator Villar na hindi lamang sinisira ng illegal fishing ang industriya kundi pinapatay din nito ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Sa gagawing pagrerpaso ay titiyakin ni Senator Villar na matutuldukan ang lahat ng mga aktibidad na walang kabutihang idudulot sa ating karagatan at sa industriya ng pangingisda.