Hakbang kaugnay sa proposed 2019 budget, pag-uusapan ng mga senador ngayong araw

Manila, Philippines – Magkakaroon ng caucus mamayang hapon ang mga Senador para pag-usapan ang magiging hakbang kaugnay sa panukalang 2019 budget na nakasalang pa rin sa Bicameral Conference Committee o Bicam.

Ayon Senate President Tito Sotto III, sa caucus ay irereport sa kanila ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda kung ano mapagkakasunduan sa Bicam kaugnay sa budget.

Sabi ni Sotto, malamang din ay magsagawa pa sila ng session hanggang sa Biyernes para ratipikahan ang 2019 budget kung makakalusot ito sa Bicam ngayong araw.


Una nang sinabi ni Senator Legarda na mag-uusap sila ngayong araw ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr.

Una ring inihayag ni Legarda na ngayon nila target na paaprubahan sa bicam ang budget para magkaroon sila ng panahon na ratipikahan ito bago magbreak ang session mula February 9 hangang May 19.

Facebook Comments