Hakbang ng DOH laban sa COVID-19, dapat pa-igitingin pa

Para kay Senator Risa Hontiveros, mukhang hindi na sapat ang mga ipinapatupad na hakbang ng Department of Health (DOH) para matukoy ang mga kaso ng COVID-19 at mapigilan ang pagkalat nito.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag makaraang umakyat na sa lima ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ang isa ay maikokonsiderang unang kaso ng local transmission dahil walang record ng pag-byahe sa abroad.

Tinukoy pa ni Hontiveros ang tatlong dayuhan na nagpositibo sa COVID-19 matapos manggaling sa Pilipinas.


Malinaw para kay Hontiveros na hindi na sapat screening, testing protocol at iba pang nakalagag na mga hakbang ng DOH dahil may nagkakahawaan na sa loob ng ating bansa.

Facebook Comments