MAG-AARAL SA DAGUPAN CITY, PINILING BAGALAN ANG PAGLALAKAD PARA SABAYAN ANG ISANG LOLO NA HIRAP SA PAGTAWID

Nagpakita ng kahanga-hangang pagkakawanggawa ang isang mag-aaral mula sa lungsod ng Dagupan matapos nitong bagalan ang kanyang paglalakad nang mapansin ang isang matandang lalaki na hirap tumawid sa pedestrian lane.

Nakuhanan ng video ang mabagal at paika-ikang pagtawid ng matanda kung saan kusa umanong umalalay ang mag-aaral upang masigurong ligtas itong makakatawid.

Bagama’t naging mabagal ang daloy ng trapiko nagpakita rin ng pasensya at disiplina ang mga motorista upang bigyang-daan ang dalawa.

Agad na pinuri naman sa online ang simpleng aksyon na ginawa ng mag-aaral at sinabing isa itong magandang halimbawa ng malasakit, respeto sa nakatatanda, at disiplina sa kalsada.

Magsilbi sanang inspirasyon at halimbawa sa lahat ang naturang gawain na, kahit simple, ay nagsisilbing paalala na hindi sa lahat ng oras kailangang magmadali—sapagkat may mga pagkakataong mas nagiging makabuluhan ang pagdadahan-dahan upang mas pahalagahan ang bawat sandali. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments