Hakbang ng MMC na magpasa ng ordinansa ang mga lungsod laban sa mga sala-salabat na kable, malaking tulong sa Anti-Urban Blight campaign ng MERALCO

Photo: Radyoman Zhander Cayabyab

Kaisa ang Manila Electric Company (MERALCO) sa hakbang ng Metro Manila Council (MMC) na linisin ang mga sala-salabat na kable partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga na suportado nila ang MMC na naghihimok sa mga Local Government Unit na magpasa ng ordinansa laban sa “spaghetti wires.”

Paliwanag ni Zaldarriaga, malaking tulong kung makakatuwang nila ang MMC sa paglilinis ng mga kable.


Mayroon kasi silang kampanya na Anti-Urban Blight na nag-aalis sa spaghetti wires.

Dagdag pa ni Zaldarriaga na nakatutok din sila sa iba pang illegal connections sa mga poste ng MERALCO.

Sa ngayon, puspusan ang kanilang mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments