Hakbang para mabawasan ang polusyon, dapat seryosohin ng gobyerno

Umapela si Presidential Aspirant Senator Manny Pacquiao sa pamahalaan na seryosohin ang panawagan ng United Nations Climate Change Commission na gumawa ng kongkretong hakbang para mabawasan ang polusyon.

Binanggit ni Pacquiao ang naging babala ng United Nations Climate Change Commission noong 2007 na ang bansa ay isa sa mga tatamaan ng malalakas na bagyo at ito ay nangyayari na sa kasalukuyan at hindi na ito puwedeng takasan.

Ayon kay Pacquiao, ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng malalakas na bagyo na epekto ng climate change, kaya mahalagang gumawa ang gobyerno ng kagyat na galaw para maihanda ang bansa sa Bagyo at iba pang kalamidad.


Kaugnay nito, sinabi ni Pacquiao na kailangang isulong ng pribadong sector, civil society ang enhanced tri-partite effort para masiguro ang proteksiyon ng kalikasan at maitulak ang sustainable development.

Ayon kay Pacquiao, dapat balikatin ng pamahalaan lalo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang responsibilidad para mabigyan solusyon at masusing pansin ang pagkawasak ng kalikasan para magpatuloy sa pag-unlad ng bansa.

Ang pribadong sector naman ayon kay Pacquiao ay dapat lamang na maglagay ng puhunan sa green “projects” para magkaroon ng trabaho alinaunod sa probisyon ng Philippine Green Jobs Act of 2016.

Dagdag ni Pacquiao, ang civil society naman ay dapat magkaroon ng community-based management programs na ambag nila sa kalikasan.

Facebook Comments