Halaga ng ari-ariang nasunog sa Batasan, Quezon City – tinatayang aabot sa 75,000 piso

Quezon City – Tinatayang nasa 75,000 piso ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy nang matupok ang dalawang palapag na bahay at nadamay sa sunog ang apat na establisiyemto sa Ilang-Ilang St. cor. Commonwealth Avenue, Barangay Batasan, Quezon City.

Ayon kay Rosendo Cabillan, ang hepe ng Arson investigator ng BFP Quezon City, umabot sa ikalawang alarma ang sunog, na nagsimula kaninang alas dyes trenta at naapula pasado alas onse.

Ang apoy aniya ay nanggaling sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Loreto Bautisa, 60-anyos.


Apektado sa sunog ang talipapa, partikular ang mga sari-sari store, nagtitinda ng bigas, at pagkain at isang upholstery shop.

Walang nasaktan sa insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments