Halaga ng assets na naka-freeze ngayon kaugnay ng maanomalyang flood control projects, nasa P5-billion —ICI

Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nasa ₱5 billion ang halaga ng bank accounts na naka-freeze ngayon ng AMLC o Anti-Money Laundering Council.

May kaugnayan ito sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, ang naturang halaga ay mula sa 2,800 bank accounts na naka-freeze mula sa mga nadadawit sa nasabing eskandalo.

Hindi naman masabi ng Komisyon ang kabuuang assets na target mabawi ng ICI mula sa flood control projects scandal.

Una nang napaulat na daan-daang bilyong piso ang sangkot sa mga anomalya sa naturang mga proyekto.

Facebook Comments