Halaga ng ayuda sa mga magsasakang apektado ng El Niño, tumaas pa ng ₱2.18-B – DA

Itinaas na rin ng Department of Agriculture (DA) ang halaga ng tulong at interbensyon sa mga magsasaka at mangingisda kasunod ng pag-akyat sa ₱5.9-B ang kabuuang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, umabot na sa ₱2.18-B ang halaga ng ayuda na naipagkaloob sa mga apektado ng matinding tagtuyot.

Mula sa naturang halaga, mahigit isang bilyong piso ang naipamahaging rice farmers financial assistance, kung saan, nagpamahagi ng ₱5,000 sa mga apektadong magsasaka na nagsasaka ng di tataas sa dalawang ektarya.


Umabot na rin sa ₱700-M ang naipamahaging farm inputs, gaya ng binhi at pataba at mga alokasyon para sa small-scale irrigation projects.

Nasa ₱77.5- M din ang ang naipagkalooob sa may 3,100 na magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) aid loan program.

Habang 7,322 na magsasaka ang tumanggap ng kabayaran sa napinsala nilang pananim mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa halagang 68 million.

Umabot na sa 80 thousand ang mga magsasakang apektado, 60 thousand sa mga ito ay nagtatanim ng palay.Nasa 58 thousand na ektaryang pananim na palay ang nasira.

Facebook Comments