Halaga ng ayudang naipagkaloob ng DA sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette, umabot na sa P2.9 billion

Umabot na sa P2.9 billion ang halaga ng ayuda na naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Bagyong Odette.

Partikular ito sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at Caraga.

Abot sa P 1-B na Quick Response Fund (QRF) ang inilaan ng DA para ayudahan ang mga apektado ng bagyo.


Nasa P314 million na binhi ng palay, P129-M na corn seeds, at P57-M na halaga ng assorted vegetable seeds ang naipamahagi ng ahensya.

P6.6-M na halaga ng animal stocks, drugs at biologics para sa livestock at poultry ang naimapahagi na.

Naglaan naman ang Philippine Coconut Authority ng P1.48-M para sa 17,595 na seednuts na ipapamahagi sa MIMAROPA, Regions 7 at 8.

Aabot sa 443,419 hectares ng agricultural areas ang pinsala ng bagyo kung saan 396,585
na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Facebook Comments