Halaga ng hindi nabayarang buwis dahil sa iligal na bentahan ng sigarilyo at vape, pumalo na sa higit ₱7-B

Pumalo na sa ₱7.2 billion ang hindi nababayarang buwis dahil sa iligal na pagbibenta ng mga sigarilyo at vape products ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., na nasa higit 500,000 pakete na ng sigarilyo ang kanilang nakumpiska ngayong taon habang higit 170,000 naman sa vape products.

Dahil aniya dito, ay lalagyan na ng stamps ang vape products, para matukoy kung bayad ba sa buwis o excise tax ang mga ito.


Ayon kay Lumagui, kapag ang isang tindahan na nagbibenta ng vape products ay walang stamp, ibig sabihin lamang nito ay hindi ito bayad sa buwis.

Titiyakin din aniya nila na may security features ang kanilang stamps para maiwasan itong mapeke at mabilis na matutukoy kung peke o hindi ang produkto.

Facebook Comments