Halaga ng iligal na droga at mga kagamitan na nakumpiska mula noong 2016, umabot sa higit P74 billion

Umabot sa ₱74.3 billion na halaga ng iligal na droga ang mga kagamitan ang nakumpiska ng mga awtoridad mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ito ang iniulat ng Department of the Interior and Local Government sa Talk to the People Address ng Pangulo kagabi.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, 1,000 drug dens din at mga laboratoryo ang kanilang naipasara.


Habang 23,686 mula sa 35,416 na drug-affected barangay na ang ikinokonsidera nang drug cleared.

Samantala, 319,929 naman ang naaresto habang 6,221 ang nasawi habang nasa kasagsagan ng mga anti-drug operations.

Muli namang iginiit ni Pangulong Duterte na tama lamang ipagtanggol ng mga awtoridad ang kanilang sarili kung malalagay sa alanganin ang buhay ng mga ito habang nasa operasyon.

Facebook Comments