Nasa ₱12.2 bilyon na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang naturang halaga ay nakumpiska sa isinagawang 17,099 anti-illegal drug operations mula January 1 hanggang May 5, 2024 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 20,920 drug suspects.
Kabilang sa nakumpiska ng mga awtoridad, ang shabu, marijuana, kush marijuana at cocaine.
Sinabi ni Fajardo na simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong July 1, 2022, umabot na sa ₱33.2 bilyon na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Facebook Comments