Abot na sa inisyal na Php 666.5-M ang indemnification payments sa agriculture sector dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.
Dahil dito, pinamamadali na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa Philippine Crop Insurance Corporation ang pagproseso sa insurance claim sa sektor ng agrikultura.
Lumalabas sa datos ng Department of Agriculture (DA) na nasa mahigit 86,000 na mga magsasaka ang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa 10 rehiyon.
Pinakamalaking halaga ng napinsala ay sa pananim na palay na naabot sa mahigit 400-milyon ang insurance payment.
Layon ng agarang paglalabas ng insurance claim na agad makabangon ang mga magsasaka at ang sektor ng agrikultura lalo na’t panahon na ng kapaskuhan.
Facebook Comments